June 9, 2008

Ejay News

Tila may hang-over pa rin ang mga tao ngayon sa na-ganap na big night ng PBB kamakailan.

Si Ejay Falcon ang PBB Teen Big Winner, teen housemate Robi got the se-cond place, Nicole came third and Beauty was the fourth placer.

Bago sumapit ang big night, may kani-kanyang manok na ang bawat isa. Sa totoo lang, bet na-min itong si Nicole. Kasi, kung star appeal ang ha-hanapin natin, masasa- bing puwede agad isalang ang bagets na ito sa pag-aartista o ‘di kaya’y sa TV ads.

Next na gusto namin ay si Robi. In fact, siya ang pangalawa sa pinakamaraming boto sa kanilang apat.

Smart, cute at madiskarte ang bagets na ito. Pe-ro, ang balita namin ay mas gusto raw tutukan ni Robi ang pag-aaral niya sa Ateneo kesa mag-artista nang tuluyan?

Hmmn, not bad.

May kanya-kanyang choices naman tayo sa buhay, di ba? Kung sakaling mag-artista itong si Robi, sino naman kaya ang ipapareha sa kanya?

Napag-alaman din na-ming crush pala ni Robi itong si Bea Alonzo, huh. Hindi kaya bigyan ng special participation ang bagets na ito sa susunod na proyekto ng dalaga? Kiyeme lang.

Marami-rami rin ang nanghinayang at hindi raw si Robi ang naging Big Winner.

Bukod sa may poten-syal ang bagets ay type pa siya ng girls and gays, in the same manner na marami rin ang may gusto kay Nicole dahil nakitaan ito ng tibay ng loob while inside the Big Brother house.

Kunsabagay, ano naman ang laban ng mga ito kay Ejay na pang-masa ang dating at feeling ‘pasan ko ang daigdig’ ang drama sa buhay?

Hayun, halos lahat ay nagsasabing he won dahil sa simpatya ng publiko sa kanya.

Ganoon pa man, sana ay ipakita ni Ejay na deser-ving siya sa puwestong ipinagkaloob sa kanya.

Kung talagang gusto niyang mag-artista, kaila-ngan ni Ejay na ma-deve-lop ang kanyang persona-lidad.

‘Yun lang! [source]

0 comments:

  © Blogger template 'Minimalist E' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP